actually, marami nagsasabi sa akin ng ganyang bagay pero naiintindihan ko sila dahil hindi naman lahat pare pareho ng pananaw at hindi lahat pare pareho ng sitwasyon ng buhay. Yes, since last year june 2024. nag start si Meteor mag school ng 1yr & 5months old. lately ko lang nalaman na pwede na pala mag pre toddler simula 10 months old. isa din sa dahil kung bakit ko siya pinag school para din hindi siya masyado tutok sa gadget at mas matuto pa siya sa mga alam niya at higit sa lahat para marunong siya makipag interact sa mga classmates niya at makapag salita ng maayos. then start naman ng dec 2024, nag reach out din ako kay teacher faye para naman din sa music and homeschooling activities. dahil ang school niya ay MWF kay teacher faye naman is T/TH. Actually, nagulat si teacher faye dahil advance yung mga alam ni Meteor, since before nga siya mag homeschool nag aaral padin siya sa mismong school. as a mother, sobrang natutuwa ako dahil sobrang laking improvement yung nagawa ng school ni Meteor at Teacher Faye🫶🏻 saksi ako at ang pamilya namin kung gaano ka bibo at talino si Meteor❤️🥹 and kaya siya may cert kay Teacher Faye dahil tapos na yung 1st cycle ng homeschooling niya, and patapos na din ang kanyang school. so mag enroll na siya ulit sa school and mag sstart na siya sa 2nd cycle homeschooling. kaka two years old palang niya pero ang dami na niyang alam na kanta, memorize niya paano sayawin. mabilis maka recognize ng mga bagay at lalo na mga pangalan namin. kabisado ang parts of the body, solar system, marunong mag count 1-20. alam lahat ng colors and shapes. alam niya ibat ibang tawag sa mga kotse, dinosaur at marami pang iba sobrang nakakatuwa dahil habang lumalaki siya mas nadadagdagan pa yung mga alam niya.🥹❤️ and yes till now wala padin siyang yaya, isa sa dahilan ko na hindi ko kaya ipagkatiwala si Meteor sa ibang tao. kaya salamat padin sa mommyla niya and mga tita niya na tumutulong sakin sa pagbabantay at pag didisplina kay Meteor!🥹❤️ napa post ako dahil sobrang proud ko lang bilang nanay ni Baby Meteor 🥹❤️ I love you so much anak!❤️love ka namin ni daddy mo 🥰 #antonettegail #whamoscruzz #whamonette #BabyMeteor